Skechers > Motorola

College na ata ako nun, early 2000s. Nagsisimula nang mauso ang texting kaya naman karamihan sa mga kaibigan ko e may mag cellphone na. Mahal pa magkacellphone noon e. Wala pang iPhones o Google phones. Motorola at LG pa ang sikat noon. Ni hindi pa nga ata nilalabas ang 3310.

Christmas siguro ung okasyon noon dahil sabi ng nanay ko, bibigyan daw niya kaming magkakapatid ng regalo. Bihira kaming makatanggap ng regalo noon, kahit nga birthday parang wala namang regaluhan na nangyayari. Sabi ng nanay ko, pwede daw kaming bumili ng cellphone. Pang-text, tawag. Chance ko na para makisabay sa mga kaibigan ko. Cellphone ang pinili ng dalawa kong kapatid. Pero un ang pinabili ko. Skechers ang pinili ko.

Nagmall kami ni Robert kanina, pumasok kami sa Skechers store. Naghanap ako ng Bobs pero walang magandang design. Tas nakita ko 'to sa shelf. 

Ito ung style ng unang kong Skechers na sapatos. Tinanong ako ni Robert kung nasa akin pa ung sapatos ko na un. Sabi ko, wala na, sobrang nagamit ko ito nung college ako. Hanggang sa nasira na.

Sa loob ng apat na taon ng college, wala akong cellphone, pero sobrang nagamit ko naman ung sapatos. Hanggang sa nasira na ito at kinailangan na ding palitan. Bumili na din ng 5110 ung mga kapatid ko kaya ako na din ung gumamit ng cellphone nila. Ako ung nakakuha ng hand me downs. Unang trabaho, unang sweldo, saka ako kumuha ng sarili kong cellphone - naka-line pa sa Sun Cellular.

Skechers ang pinabili ko sa nanay ko dahil mas nakita ko na magagamit ko ang sapatos kesa sa cellphone. May landline pa din naman kami, so bakit ako magpapabili ng cellphone? Mas gusto ko na Skechers na lang para may magamit din akong pampasok. Saka ang cool kaya ng itsura. Kumportable pa. Dahil mas mahal ung cellphone ng mga kapatid ko kesa sa sapatos ko, binilhan din ata ako ng nanay ko ng iba pang gamit. Damit siguro, hindi ko na maalala.

No comments:

Post a Comment